Reciprocal Access Agreement ng Pilipinas at Japan, agad na raratipikahan ng Senado sa pagbabalik-sesyon

Tiniyak ni Senate Committee on National Defense Chairman at Senate President pro tempore Jinggoy Estrada na isasama sa priority agenda ng Senado sa pagbabalik-sesyon ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA).

Ayon kay Estrada, ang paglagda sa RAA ay nagpapakita ng commitment ng Japan at Pilipinas na itaguyod ang rules-based international order, lalo na sa pagresponde sa regional security threats.

Aniya, anumang strategic partnership na magpapalakas sa security relationship ng bansa at mga regional partner ay hinihikayat at isang welcome development.


Ipinunto ni Estrada na maliban sa joint military exercises ay mahalaga rin ang RAA pagdating sa humanitarian assistance at disaster relief.

Samantala, welcome rin para kay Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos ang pagkakaroon ng malakas na security ties sa pagitan ng mga bansa sa Asia-Pacific Region.

Pero tulad aniya ng ibang kasunduan, tiniyak niyang bubusisiin ito ng husto oras na mai-refer na sa kanyang komite ang RAA upang masiguro na nakalinya ito sa national interest ng bansa.

Facebook Comments