Reciprocal Access Agreement ng Pilipinas at Japan, hindi dapat limitahan sa military tactics – Pimentel

Pinalilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, ang layunin ng reciprocal access agreement (RAA) ng Pilipinas at Japan matapos ang pagbisita ni Japan Prime Minister Kishida Fumio sa bansa.

Hiling ni Pimentel, na dapat ay klarong pandepensa ang gagawing mga pagsasanay sa bansa sa ilalim ng kasunduan at huwag limitahan sa military tactics.

Nais din ng senador, na magkaroon ng palitan ng ideya sa gagawing pagsasanay sa defense at security tulad ng mga dapat gawin at mga aral dahil kung ganito ang magiging alyansa ng dalawang bansa ay wala siyang nakikitang problema.


Sinabi ni Pimentel, na magkaroon ng genuine agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan kung saan may matututunan tayo sa isa’t isa at hindi iyong gagawin lang na battle ground ang bansa.

Dagdag pa ng Senate Minority Leader, na kung tunay ang kasunduan ay dapat na magpunta at magsanay din sa Japan ang ating mga sundalo at huwag na papayag na dito lang sa Pilipinas gagawin.

Iginiit din ni Pimentel, na dapat dumaan muna sa pagratipika ng Senado ang nasabing kasunduan.

Facebook Comments