Reciprocal access agreement, nilagdaan na ng Pilipinas at Japan

Pormal nang nilagdaan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko ang Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglagda sa RAA ngayong umaga sa Malacañang.

Palalakasin ng naturang kasunduan ang depensa at military cooperation ng Pilipinas at Japan.


Sa ilalim din nito ay pinapayagan ang dalawang bansa na magpalitan ng deployment ng sundalo sa kani-kanilang teritoryo at magsagawa ng joint military drill at exercises.

Nabatid na ang RAA ay nabuo sa inaugural Philippines – Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong April 2022 na ginawa sa Tokyo, Japan.

Habang ngayong araw naman ay pormal ding bubuksan ang ikalawang defense at security talks o 2+2 meeting sa bansa, kung saan inaasahang tatalakayin ang isyu sa bilateral, defense at security na nakakaapekto sa rehiyon.

Facebook Comments