Inaasahang mararatipikahan na ng Senado ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kung walang makikitang problema sa magiging pinal na bersyon ng bilateral defense at security agreement ng Pilipinas at Japan ay target na maratipikahan ito bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo.
Aniya, may naunang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malapit nang matapos ang kasunduan.
Hindi tulad sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at US na naka-angkla sa Visiting Forces Agreement (VFA), ang RAA aniya ay isang treaty o kasunduan na kailangang dumaan sa pagratipika ng Senado at ito’y tiniyak naman sa kanila ng Malakanyang.
Sinabi pa ni Villanueva na nasa kamay ng Executive kung ngayong taon din mara-ratify ng Mataas na Kapulungan ang kasunduan.