RECKLESS DRIVING CONTENT SA SOCIAL MEDIA, KINONDENA NG CITY GOVERNMENT NG CAUAYAN

Cauayan City— Mariing kinondena ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang mga kumakalat na video sa social media na nagpapakita at tila naghihikayat ng reckless driving o mapanganib na pagmamaneho, lalo na sa mga pampublikong lansangan.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Pamahalaang Panglunsod, ang ganitong gawain ay hindi lamang lumalabag sa batas-trapiko kundi isa ring banta sa kaligtasan ng publiko.

Tinawag ng lokal na pamahalaan ang mga naturang content bilang iresponsable at mapanganib, lalo na kung ito ay ginagawa para lamang sa views at likes sa social media.

Tiniyak ng Office of the City Mayor na agad silang makikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) upang imbestigahan at papanagutin ang mga taong nasa likod ng mga nasabing video.

Patuloy rin ang paalala sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag tularan ang ganitong uri ng mapanganib na content.

Facebook Comments