Reclamation activities na pinaniniwalaang kagagawan ng China, nadiskubre sa Escoda shoal

May nadiskubre ang Philippine Coast Guard (PCG) na panibagong sensyales ng reclamation activity sa West Philippine Sea (WPS) na posible umanong kagagawan ng China.

Ayon sa PCG, natagpuan ang mga patay at durog na corals sa Escoda o Sabina Shoal na 135 kilometers lang ang distansya sa Palawan.

Na-monitor din sa lugar ang nasa 44 na chinese ships at research vessels.


Sabi ni Pcg Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, lubhang nakababahala ang nadiskubreng early-stage land reclamation sa shoal na sobrang lapit lang sa Palawan kumpara sa Panganiban reef na tinayuan ng artificial island ng China.

Pinakamalamang aniyang responsable rito ang China, gayundin sa reclamation sa sandy cays sa Pag-asa Island.

Kamakailan lamang nang iulat ng marine scientists mula U.P., na nasa “degraded state” o pagkasira na ang mga sandy cay na tinambakan din ng mga patay na coral.

Umaasa si tarriela na maghahain ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Justice (DOJ) ng diplomatic action laban sa China kaugnay ng mga nadiskubreng reclamation activities sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Facebook Comments