Kasado na ang reclassification ng isang agricultural land sa Brgy. Dusoc, Bayambang upang maging agri-industrial land.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang lupa na may sukat na 120,439 square meters ay planong gawing Broiler Breeder Farm para sa pagtataguyod ng food security sa bayan.
Tinalakay sa public hearing ang mga posibleng epekto ng proyekto sa lugar at mga oportunidad na maibibigay kabuhayan sa mga lokal.
Matapos itaas ang mga katanungan at suhestyon ng mga residente, walang naging pagtutol ang publiko sa isasagawang proyekto.
Nakatakdang lagdaan ang proposed municipal ordinance sa reclassification ng naturang parcel ng lupa bago umugong ang proseso ng konstruksyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









