RECLASSIFICATION NG MANGABUL RESERVATION SA BAYAMBANG PARA SA MGA LEHITIMONG BENEPISYARYO, APRUBADO NA SA HOUSE OF REPRESENTATIVES

Inaprubahan na ng Committee on Natural Resources ng House of Representatives ang House Bill No. 127 na naglalayong ireklasipika ang Mangabul Reservation sa Bayambang bilang alienable and disposable land.

Ito ay upang maipamahagi ang nasabing kalupaan sa mga lehitimong benepisyaryo at matagal nang naninirahan o nagsasaka sa lugar.

Dumalo sa pagdinig ang kinatawan ng LGU-Bayambang kasama ang Municipal Legal at Assessor’s Offices na nagpasa ng kanilang position paper bilang gabay sa komite sa pagbusisi ng panukalang batas at para linawin ang mga usapin sa reclassification.

Ayon sa komite, inaasahang magdudulot ang hakbang na ito ng patas at maayos na proseso para sa mga pamilyang umaasa sa legal na pagmamay-ari ng kanilang lupa.

Ang Mangabul Reservation ay may lawak na 2,086 ektaryang matatagpuan sa Brgy. Gabriel 2nd ay nagsisilbing tirahan ng abot 700 okupante at sakahan para sa higit 250 Agrarian Reform Beneficiaries na may Certificate of Land Ownership Award mula noong 2021. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments