RECOMMENDATION | Faeldon, may rekomendasyon na sa CSC para italagang BuCor chief – DOJ

Manila, Philippines – Mayroon ng rekomandasyon si Civil Service Commission Alicia Dela Rosa-Bala sa appointment ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong pinuno ng Bureau of Correction (BuCor).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tumawag sa kaniya si Bala para sa appointment paper ni Faeldon.

Aniya, ang nasabing rekomendasyon ay nakatakdang isumite ng CSC sa Malacañang.


Matatandaang una nang sinabi ng kampo ni Faeldon na wala pang formal appointment na inilalabas ang Malacañang kaya hindi pa ito pormal na maka-upo sa BuCor.

Facebook Comments