Manila, Philippines – Inihayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na malapit nang matapos ang ginagawang assessment ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa gagawin nilang recommendation sa extension ng Martial law sa Mindanao.
Ayon kay Padilla sa briefing sa Malacañang, nasa concluding Stage na ang ginagawang rekomendasyon para sa Martial Law pero hindi naman aniya maaaring ibinyag kung ano ang possible nilang irekomenda sa Pangulo.
Paliwanag ni Padilla, sa oras na matapos ang Assessment ay agad itong isusumite kay AFP Chief Of Staff Eduardo Ano at saka ibibigay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at saka huling ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi din nito na mayroon ding input na ibinibigay ang Philippine National Police at iba pang sector sa kanilang gagawing rekomendasyon.