Recommendation ng stakeholders tungkol sa provincial bus ban sa EDSA at UV Express P2P operation, ikinunsidera

Nagbigay ng mga rekomendasyon ang mga stake holders ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kaugnay ng ipapatupad na provincial bus ban sa EDSA at P2P UV Express.

Kabilang rito ang pag-konsidera sa oras ng biyahe, availability sa transportasyon para sa mga senior citizen at PWDs at pagkakaroon ng mid bus stop imbes na point to point ang sakayan at babaan.

Iminungkahi rin na i-regulate at gawing organisado ang mga bus terminal at magsagawa ng mga seminar para sa mga commuter.


Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, isusumite nila ang mga rekomendasyon sa mga kaukulang ahensya gaya ng DOTr, LTFRB at LTO.

Habang ang MMDA ay ang magpapatupad lang aniya ng maaaprubahang hakbang.

Facebook Comments