Suportado ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante ang plano ng Department of Health (DOH), kaugnay sa reconstitution ng mga miyembro ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ito ay kasunod ng direktiba ng Malacañang na dapat ang mga miyembro lamang ng IATF ay ang related agencies, na ang function ay may kinalaman sa pagtugon sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Solante, nais lamang ng administrasyon na mapabilis ang proseso at maging mas konkreto ang mga ibababang resolusyon ng IATF.
Kinakaliangan din na ang mga miyembro ng IATF ang manguna sa pagdi-desisyon kung paano mapoprotektahan ang mga publiko, at pataasin ang mobility nito habang binabalanse ang kalusugan ng mga Pilipino.
Iminumungkahi rin ni Solante sa mga magiging bagong miyembro ng IATF na tutukan ang pagpapataas ng mobility ng hindi natatakot ang publiko sa malalang epekto ng virus gayundin ang pagpapataas ng booster coverage sa bansa.