RECONSTRUCTION | Concordia Bridge sa Maynila, pansamantalang isasara sa mga motorist – MMDA

Manila, Philippines – Sasailalim sa walong buwang rekonstruksyon ang Concordia Bridge sa Maynila simula sa Mayo 1.

Ayon kay Frisco San Juan, MMDA Deputy Chairman magkakaroon ng bahagyang pagsasara ng tulay na nasa bahagi ng President Quirino Avenue.

Sinabi ni San Juan na kailangan nang palitan ang tulay dahil sa safety issues.


Ang southbound lane ng tulay ang mauunang isasara para sa pagsasagawa ng northbound lane.

Ang tatlong matitirang lane naman ay paghahatian ng mga sasakyang papunta sa northbound at southbound habang ginagawa ang tulay.

Ang Concordia Bridge ay may kabuuang anim na lane.

Ayon naman kay Bong Nebrija, Special Operations Task Group Head, sinimulan na nila ang pagtatanggal ng mga sasakyang nakahambalang sa kalye at iba pang obstruksyon sa mga kalsadang magsisilbing alternatibong ruta para sa motoristang maapektuhan ng muling pagsasagawa ng tulay.

Facebook Comments