RECORD BREAKER: Kauna-unahang swimmer na nalangoy ang ‘English Channel’ sa loob ng 54-oras

Photo: Sarah Thomas- Open Water Marathon Swimmer

Isang American swimmer ang itinalagang kauna-unahang nakalangoy sa English Channel, habang tinatawid ang England at France, sa loob ng 54-oras, walang tigil na may kabuuang layo na 130 milya.

Ang English Channel ay ang karagatang naghihiwalay sa Southern England at Northern France, at nagdudugtong naman sa North Sea at Atlantic Ocean.

Si Sarah Thomas, 37, isang marathon swimmer mula sa US State of Colorado,
ay isang breast cancer survivor na sumailalim pa sa ilang treatment nito lamang nakaraang taon.


Nagsimula umanong lumangoy si Sarah sa dagat mula England noong Linggo papuntang France at saka bumalik pa-England apat na beses nang walang tigil.

Photo: Behej srdcem

Sa loob ng ilang araw, natapos ni Sarah ang paglangoy noong Martes, 6:30 ng umaga.

“I’m really just pretty numb. There was a lot of people on the beach to meet me and wish me well and it was really nice of them, but I feel just mostly stunned,” ani Sarah.

Dagdag pa niya, ramdam raw niya ang matinding pagod at plano lang niyang matulog ng isang buong araw matapos ang ginawa.

Ibinahagi rin ni Sarah na pinakanahirapan siya sa tubig-alat at nang masaktan mula sa sting ng isang jellyfish na dumikit sa kanyang mukha.

Sa kabila ng panahon at lamig ng tubig, pinaghandaan raw niya ng maigi ang haba ng kanyang lalayungin.

Hindi rin niya ininda ang takot na naramdaman bago pa man sumabak sa paglangoy giit nito sa kanyang facebook post.

Paliwanag pa ni Sarah, iniaalay raw niya ang karangalan hindi lamang para sa mga cancer survivors na gaya niya kundi maging sa mga mayroong cancer sa kasalukuyan.

Sabi nya, “The hype leading up to this swim has been a little unnerving. I hope I don’t let you all down after all this! Just turn the volume up loud for me on that last lap, I’ll need all the help I can get.”

Dagdag nya pa ay para raw ito sa mga taong hindi tumitigil sa panalangin para sa kanila at para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala sa isang post ni Lewis Pugh, isa ring kilalang swimmer, inilarawan niya si Sarah bilang, “extraordinary, amazing, at super-human.”

Kaugnay nito, sinasabing apat na manlalangoy na ang nakagawa ng naturang challenge ngunit tatlong beses na pabalik-balik lamang ang kanilang nalangouy, si Sarah ang kauna-unahang nakakakumpleto ng apat.

Facebook Comments