Manila, Philippines – Ibinida ng palasyo ng Malacañang na nabasag na ng Administrasyong Duterte ang record noong 1991 kung saan lumabas na 92% ng mamamayan ang nagsasabing masaya sila sa kanilang buhay.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa resulta ng Survey ng Social Weather Station (SWS) ay umabot sa 94% ng ating mga kababayan ang nagsasabi na sila ay masaya.
Sinabi ni Roque na 22 ang nakalipas at ngayon lang nahigitan ang 92% na naitala noon pang 1991.
Idinagdag pa ni Roque na kung mayroon mang nalulungkot ngayon ay posibleng mga taga oposisyon ang mga ito.
Facebook Comments