RECORD BREAKING | All time high na mga nagparehistrong OFW para sa eleksyon, naitala ng DFA

Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa mahigit 1.6 milyon (1,600,746) ang bilang ng overseas voters na nagpatala para sa 2019 national elections.

Ayon sa DFA Overseas Voting Secretariat (OVS) nahigitan na nito ang dating rekord na 1,376,067 para sa 2016 Presidential Elections.

Sa kasalukuyang rate ng overseas voters registration, kumpiyansa ang DFA-OVS na bago matapos ang registration period sa September 30, 2018, abot na sa 1.9 million overseas voters mayroon para sa 2019 elections.


Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ito ay patunay nang pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani sa foreign service, na humikayat sa overseas Filipinos na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto at civic duty sa patuloy na election process.

Sinabi pa ng kalihim, ang media partners, bloggers, at iba pang overseas voter stakeholders ay may ginampanan ding mahalagang papel sa paglikha ng kamalayan sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Ayon sa DFA-OVS lahat ng Filipino citizens, na edad disi otso anyos pataas na nasa labas ng bansa ay maaaring magparehistro bilang overseas voter sa pinakamalapit na Philippine foreign service posts abroad.

Facebook Comments