RECORD BREAKING | Avengers: Infinity War, nagtala ng all time domestic weekend record

Los Angeles – Nakapagtala ng record sa highest global opening of all time ang Avengers: Infinity War matapos na kumita ng 630 million dollars (32.57 billion pesos) nitong weekend.

Ayon sa industry tracker na exhibitor relations, pinakamalaking global weekend tally ito sa kasaysayan.

Sa North America pa lamang ay tinatayang kumita na ito ng 250-million dollars mula sa 4,474 sinehan.


Hindi pa kasama rito ang kinita sa China kung saan mas late ang opening ng pelikula.

Nalagpasan na ng Avengers Ang “The Fate of the Furious” na kumita ng 530-million dollars sa buong mundo sa opening nito noong 2017.

Facebook Comments