RECORD BREAKING | Isang kriminal sa Britanya, nakapagtala ng 668 na kaso

Britain – Ang tinaguriang Britain’s most prolific (productive) criminal ay balik kulungan na naman matapos niyang magawa ang kaniyang record breaking na ika-668th offense.

April 24 noong ginawa ng 62- year old na si Patrick Ryan, ang pinakahuli niyang offense kung saan sumakay ito sa isang bus habang lasing, at hinuhubad na niya ang kaniyang pantalon para umihi, nang isumbong ng isang babaeng pasahero sa driver ang ginagawa nito.

Hinipuan muna ni Ryan sa dibdib ang babaeng nagsumbong, bago ito bumaba sa bus at sumakay sa isa pang bus para umihi.


Sa pinakahuling court hearing, sinabi ni Judge Andrew Jefferies na sa oras na makalabas na sa kulungan si Ryan, matapos ang 18 buwan, ay dapat na niyang ipatingin ang kaniyang mental health at drinking problem.

Si Patrick Ryan ay unang nakulong noon 14-anyos pa lamang siya, na kung susumahin ay 23 taon na ang iginugol niya sa kulungan, pagsapit niya sa 50 years old.

May utang ng $3.9 million sa mga tax payers dahil sa mga court visits. At sa kasalukuyan ay nakaranas na ng 469 convictions.

Sa sobrang haba ng criminal record ni Patrick Ryan, naglagay na ng note ang Carrington, Lancashire police sa mga kawani nito na huwag nang i-print pa ang criminal record nito, dahil aksaya lamang sa papel.

Facebook Comments