Record breaking na 710, 482 daily jabs, naitala

Inanunsyo ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon na patuloy na tumataas ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng sunod-sunod na pagdating ng mga anti-COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Sec. Dizon na kahapon ay naitala ang record breaking na 710,482 daily jabs.


Sa kabuuang 23,199,187 mga bakunang naiturok na, 12,493,997 dito ang nabigyan ng 1st dose habang umaabot na sa 10,705,190 mga Pilipino ang fully vaccinated.

Ani Dizon, inaasahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga mababakunahan, lalo pa’t nonstop din ang bakunahan kahit pa nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Facebook Comments