Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng liderato ng Kamara ang record-breaking na attendance sa sesyon mula Hulyo hanggang ngayon Setyembre ng 18th Congress.
Sa mga nagdaang Kongreso ay ngayon lamang din naging consistent ang mataas na bilang ng mga mambabatas sa pagdalo ng sesyon.
Sa nagdaang 18 session days, nabatid na 247 ang average na present na mga kongresista.
Patunay lamang na epektibo ang pamunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano dagdag pa ang mabilis na proseso sa 2020 budget na inaasahang bago ang October 4 ay maaprubahan na at maisumite sa Senado.
Aminado si House Deputy Speaker Neptali Gonzales II na may disiplina ang mga mambabatas ngayon dahil malayo ito sa mga nagdaang Kongreso na kanyang napagsilbihan.
Ipinunto rin ni Gonzales na kahit tadtad ng holidays ang buwan ng Agosto ay mas pinili ng mga kongresista na magtrabaho at tapusin ang mga pagdinig sa halip na mag-extend ng bakasyon.