“Record Breaking” na bagong kaso ng COVID-19 kada araw, posibleng tumaas pa – OCTA Research Group

Posibleng tumaas pa ang mga naiitalang “record breaking” na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang inihayag ng OCTA Research Group kasunod ng dalawang araw na magkasunod na higit 7,000 na naitalang COVID-19 cases.

Ayon kay OCTA Research Fellow DR. Guido David, ang record breaking na naitatala ay posibleng hindi pa huli at simula pa lamang.


Mahirap aniya pigilan ang tinatawag na momentum ngayon lalo na’t sa Metro Manila pa lamang ay 3,800 na ang nadagdag sa loob lamang ng isang araw.

Kasunod nito, posible rin anila na pumalo pa sa 10,000 na bagong kaso ang maitala kada araw pagsapit ng katapusan ng Marso kung walang magkakaroon ng pagbabago sa COVID-19 trend.

Maaari naman aniya itong mapigilan kung muling maghihigpit sa mga ipinatutupad na restrictions at magpatupad ng mga localized lockdown.

Facebook Comments