Wednesday, April 8, 2026

Record custodian ng DSWD, inisyuhan ng subpoena ng Sandiganbayan

Ipina-subpoena ng Sandiganbayan ang record custodian ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para ibigay sa kanila ang mga dokumento kaugnay sa site na di umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ito ay para matugunan ang discrepancy sa report, matapos ilatag ang lokasyon ng proyekto sa Google earth application na wala namang nakitang istruktura.

Taliwas ito sa idineklarang “completed” na proyekto base umano sa inspeksyon ni DPWH 1st District Engineering Office OIC District Engineer Kenneth Fernandez.

Inisyu ang subpoena ni Associate Justice Ronald Moreno sa bail hearing ng malversation case na kinasasangkutan ni dating Senador Bong Revilla at iba pang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District.

Facebook Comments