Record high na 1.6M COVID-19 vaccine, naiturok noong nakaraang linggo

Mahigit 1.6 milyong dose ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), maituturing ‘record-high’ ang naiturok na 1,658,072 doses na bakuna sa ika-17 linggo ng national vaccination sa bansa.

Noong unang linggo ng Marso, nasa 37, 280 dose lamang ng bakuna ang naiturok sa bansa.


Sa datos ng gobyerno hanggang nitong Hunyo 27, kabuuang 10,065,414 vaccine dose na ang naiturok sa buong bansa.

Facebook Comments