Record-high na 17.7% unemployment rate, naitala nitong Abril 2020!

Nakapagtala ng record-high na 17.7% unemployment rate ang pamahalaan nitong Abril 2020.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), katumbas ito ng 7.3 milyong mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang unemployment rate noong Abril ang maituturing na pinakamataas simula nang ipatupad ng PSA ang pagbabago sa methodology ng pagsukat sa ‘employment’ noong April 2005.


Pinakamatas ang bilang ng mga walang trabaho sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na 41.1%; Central Luzon, 27.3% at Cordillera Administrative Region, 25.3%.

Bumaba rin sa 82.3% ang employment rate noong Abril kumpara sa 94.7% noong January 2020.

Samantala, nito ring buwan ng Abril naitala ang mataas na underemployment rate na pumalo sa 18.9%.

Katumbas ito ng 6.4 milyong mga Pilipinong underemployed o iyong may mga trabaho pero hindi sapat ang sweldo kaya naghahanap ng iba pang mapagkakakitaan.

Facebook Comments