Record high na 659,000 bakunang naiturok sa loob lamang ng isang araw, naitala ng Pilipinas

Nakapagtala ang bansa ng record high na 659,000 bakuna kontra COVID-19 na naiturok sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, kauna-unahang pagkakataon ito nangyari na malapit na sa target na 500,000 bakunang kailangang iturok upang maabot ang population protection.

Sa ngayon, umabot na sa 18.1 milyong COVID-19 vaccine ang naiturok sa bansa kung saan mahigit 11.3 milyon ang nakatanggap ng unang dose at mahigit 6.8 milyon ang nakatanggap ng ikalawang dose o yung mga fully vaccinated na.


Facebook Comments