Record high na remittance rate ng mga OFW para sa para sa 2023, ibinida ng DMW

Pag-iibayuhin pa ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW.

Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers o DMW makaraang ipagmalaki nito naitalang record high na remittance rate ng mga OFW ngayong taon.

Sa year-end report ng DMW kahapon, sinabi ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na nakapagtala ang Pilipinas ng $40 bilyong na remittance na naipasok sa bansa na batay sa datos ng World Bank.


Paliwanag ni Caunan, mas mataas aniya ito kumpara sa $36 bilyong na naipasok na remittance ng mga OFW sa bansa noong 2019, panahon na bago pa man tumama ang pandemya.

Sinabi naman ni DMW Officer-in-Charge (OIC) Undecsecretary Hans Leo Cacdac na mananatiling bahagi ng istratehiya ng DMW ang pagpapalago sa remittance na ipinapasok ng mga OFW sa bansa upang makatulong sa layunin ng pamahalaan na mapatatag ang ekonomiya.

Facebook Comments