Record-high na unemployment rate sa bansa, epekto ng COVID-19 pandemic ayon sa DOLE

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epekto ng COVID-19 pandemic ang naitalang record-high unemployment rate na 17.7 percent sa bansa.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, inaasahan na nila ito dahil ang COVID-19 pandemic ay talagang nagdulot ng krisis sa ekonomiya.

Aniya, maraming establisyimento ang napilitang magsara pansamantala o magpatupad ng flexible work arrangements dahil sa ipinatupad na community quarantine.


Dahil dito, milyun-milyong manggagawa ng formal at informal sectors ang naapektuhan.

Umaasa naman ang kalihim na ngayong unti-unti nang nagbabalik-operasyon ang mga kumpanya ay makare-recover na din ang labor market.

Hinikayat din ni Bello ang mga kumpanya na tulungan ang mga naghahanap ng trabaho na magkaroon ng pagkakakitaan.

Facebook Comments