
Lumampas na sa record-high na 17 trillion pesos ang utang ng Pilipinas.
Ayon sa Bureau of Treasury, nasa 17.27 trillion pesos na ang kabuuang utang ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.
Tumaas ito ng 2.1 percent mula sa 16.92 trillion pesos noong buwan ng Mayo.
Paliwanag ng ahensya, tumaas ang utang ng bansa dulot ng mataas na demand sa government securities kung saan 11.95 trillion pesos ang domestic borrowings at 5.32 trillion pesos naman ang external debt.
Una nang dinepensahan ng ahensya na nananatiling sustainable ang utang ng bansa sa kabila ng naitala nitong record high.
Facebook Comments









