RECORD-HOLDER ATHLETE MULA SA LINGAYEN, GOLD MEDALIST SA KANYANG KAUNA-UNAHANG INTERNATIONAL CHAMPIONSHIP

Nagbubunyi ang buong Pangasinan sa isa na namang batang atleta na nakasungkit ng gintong medalya sa 17th Southeast Asia (SEA) Under-18 & Under-20 Athletics Championships.

Tubong Baay, Lingayen, Pangasinan si Eric Joachim Hechanova na una nang nakilala sa kanyang husay bilang National Duathlon Champion at Batang Pinoy Champion, bago pa man pasukin ang international stage.

Sa naganap na patimpalak sa Medan, Indonesia, naging kampeon si Hechanova sa Under 18 Boys 3000m event dahil sa ipinamalas nitong impresibong oras na 9:06.35. Nagpapatunay na siya’y karapat-dapat na mapabilang sa mga pambansang atleta na sasalang sa mga palaro sa ibang bansa.

Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang dedikasyon at suporta ng kanyang Coach na si Raymund Torio, pati na rin ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya bilang Pambato ng Pilipinas.

Ang kanyang ipinakita ay isang inspirasyon sa kabataang Pilipino na posibleng abutin ang pangarap at magtagumpay sa larangan ng palakasan.

Facebook Comments