Record of travel ni Mayor Guo, isusumite ng Immigration kung may formal request sa anumang ahensya ng pamahalaan

Handang magsumite ng record of travel ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang Bureau of Immigration kung ipapa-subpoena ito ng kahit anong ahensiya ng pamahalaan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na kaya lamang nila ito hindi maisapubliko ngayon ay dahil sa data privacy issue.

Oras aniya na makatanggap sila ng formal request sa anumang ahensiya ay handa nila itong isumite.


Matatandaang ginisa ang alkalde sa pagdinig sa Senado dahil sa pagkakasangkot umano nito sa operasyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Kinukwestyon kasi ng mga senador ang kanyang pagkakakilanlan at personal record bilang Pilipino.

Facebook Comments