Recorida ng DZXL Radyo Trabaho team sa Maynila, magpapatuloy ngayong araw

33

Magpapatuloy ang recorida ng DZXL Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila sa ilang barangay sa Paco at San Andres, Manila.

Kabilang dito ang Barangay 773. 774. 777, 781 sa San Andres at Barangay 827 sa Paco Manila.


Ito na ang pang-labing dalawang linggo na pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho team sa mga barangay sa Metro Manila.

Una nang sinuyod ng RT team ang Tondo, Sampaloc, Malate, Binondo at Sta. Cruz sa Maynila gayundin ang sampung barangay dito sa lungsod ng Makati.

Sa susunod na linggo mga ka-Radyoman abangan ninyo baka ang barangay niyo na ang aming bisitahin.

Samantala, magkakaroon ng paglalagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DZXL Radyo Trabaho at morethanjobsph upang mas mapalapit pa sa mga jobseeker ang mga available na trabaho.

Gaganapin ang MOA signing mamayang alas-11:00 ng umaga sa SM Megamall Megatrade Hall 3.

Facebook Comments

From Advertisers