Recount at revision ng mga balota sa Marcos election protest, tinapos na ng PET

1525

Kinumpirma ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal na tapos na ang recount at revision ng PET sa mga balota mula sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur mula naman sa kabuuang 5,415 precincts.

 

Kaugnay ito ng election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.


 

Kinumpirma rin ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na nakapagsumite na rin ng report hinggil dito si Justice Alfredo Benjamin Caguioa na siyang in-charge sa kaso.

 

Gayunman, wala pa aniyang aksyon ang PET sa nasabing report ni Justice Caguioa.

 

Mahigpit namang pina aalalahanan ng supreme court ang bawat partido na umiiral pa rin ang Subjudice Rule at mahigpit silang pinagbabawalan na magbigay ng pahayag sa media hinggil sa update ng election protest.

Facebook Comments

From Advertisers