Kinumpirma ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na natapos na ang recount at revision sa mga balota mula sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur mula sa higit 5,000 polling precincts.
Kaugnay ito ng election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay SC spokesman Atty. Brian Keith Hosaka – nakapagsumite na rin ng report hinggil dito si Justice Alfredo Benjamin Caguioa na siyang in-charge sa kaso.
Gayunman, wala pa aniyang aksyon ang PET sa nasabing report ni Justice Caguioa.
Giit naman ni Hosaka – mahigpit pa ring pinaaalalahanan ang bawat partido na umiiral pa rin ang subjudice rule at mahigpit silang pinagbabawalan na magbigay ng pahayag sa media hinggil sa update ng election protest.
Igagalang naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang magiging desisyon ng Korte Suprema.