Manila, Philippines – Posibleng sa Agosto ay sisimulan na sa agosto ang recount ng mga boto para sa Vice Presidential Race.
Ayon sa kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na si Atty. George Garcia – kung walang magiging problema, masisimulan na sa susunod na buwan ang pagkolekta sa mga ballot boxes mula sa 3 pilot provinces na nais ng kanilang kampo na unang mabilang.
Sa pagtaya ng sa katapusan naman ng oktubre ay masisimulan na ang ballot revision at sa pebrero ng susunod na taon ay matatapos na ang manual recount.
Sa isang interview, sinabi ni Marcos na tiyak na ang kanilang panalo kung mapapatunayan na mali ang pumasok na boto sa tatlong probinsya.
Ilan lamang ito sa mga isyu na natalakay kahapon sa preliminary conference o sa pagsisimula ng pag usad ng election protest na inihain ni Marcos at sa counter election protest na inihain naman ni Vice President Leni Robredo.
Binigyan naman ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal ang magkabilang kampo na magsumite ng kumento sa draft preliminary conference order sa loob ng 5 araw.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558