Recovered cases ng COVID-19 sa Isabela, Pumalo sa 287

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 287 ang mga nakarekober sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nananatili naman sa 112 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya habang dalawa (2) ang kumpirmadong namatay sa nasabing sakit.

Paliwanag pa ni Binag, pawang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang karamihan sa mga listahan na nakauwi na sa probinsya subalit ilan naman sa problema ay ang kawalan ng koordinasyon sa pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs) dahilan para dumami ang positibong kaso ng virus.


Pag-aamin din ng opisyal na nagkakaubusan na ang suplay ng mga rapid test kit na siyang ginagamit ng health authorities sa mga Isabeleño na umuuwi sa probinsya na umaabot sa bilang na 200-250 tao kada araw.

Samantala, agad namang tinugunan ng LGU Isabela ang naunang hinaing ng mga umuuwing LSis dahilan umano sa kawalan ng matutuluyan at natutulog na lamang sa mga upuan.

Facebook Comments