RECOVERY | OFW na sapilitang pinainom ng household bleach ililipat na sa regular ward mula sa ICU

Manila, Philippines – Dahil sa bumubuting kalagayan ni Agnes Mancilla ang OFW na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Nakatakda na itong ilipat sa regular ward mula sa intensive care unit ito ayon kay Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Tiniyak naman ng mga Filipino nurse sa King Fahd Hospital sa Jizan kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General sa Jeddah na kanilang aasikasuhin si Agnes hanggang sa ito ay maka recover.


Sinabi pa ni Consul General Badajos na pinaghahandaan na din ang paglilipat kay Agnes sa isang ospital sa Jeddah kung saan maaari siyang madaling mabigyan ng suporta ng Konsulado at ng kanyang pamilya kapag dumating sila sa Jeddah.

Nagpasalamat naman ang ating kababayan kay Consul General Badajos at iba pang opisyal ng konsulada sa Jeddah sa lahat ng tulong na kanilang ipinagkaloob sa kanya.

Kasabay nito, inihayag din ng Consulate General ang pag-release ng isa pang Filipina household service worker mula sa kanyang employer sa Jeddah.

Kini-claim ng manggagawa mula sa Nueva Vizcaya na siya ay labis na pinagtatrabaho, pilit na pinaglilinis ng bahay ng iba pang miyembro ng pamilya ng kanyang employer nang mag-isa at hindi pnapasweldo.

Ang ating konsulada ay nakipagkasundo na sa kanyang employer noong Martes para sa kanyang release.

Nakatakda naman itong lumipad pabalik sa Pilipinas sa Linggo, Abril 22.

Facebook Comments