Mananatili ang deployment ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Enteng at habagat.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, recovery operations naman ang pagtutuunan ngayon ng mga pulis.
Kasama rito ang pagtulong sa mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan.
Sa ngayon, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Pambansang pulisya sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang concerned agencies para umalalay sa evacuation process, search and rescue gayundin sa relief at rehabilitation operations.
Maaalalang, bago pa man tumama ang Bagyong Enteng, pinagana na ng PNP ang kanilang Disaster Incident Management Task Group at nagpatupad ng Critical Incident Management Operational Procedure.