Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makababangon ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, dumaan na ang pinakamalalang sitwasyon ng pandemya na siyang nagpadapa sa ekonomiya ng bansa.
Binanggit ni Diokno na gumaganda ang remittances at foreign direct investments.
Inaasahang magkakaroon ng solid growth sa Disyembre at double-digit growth sa second quarter ng taon.
Pagdating sa inflation, na may average na 2.6% nitong 2020, ay mananatili sa 2 hanggang 4% target range ngayong taon at sa 2022.
Nakatakdang i-review ng BSP ang monetary policies nito sa February 11.
Facebook Comments