Recovery program sa Marawi City, prayoridad ng pamahalaan – pirma ni Pangulong Duterte, inaantay na lamang para sa sampung bilyong piso pondo para sa rehabilitasyon ng lungsod

Manila, Philippines – Pirma nalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para sa sampung bilyong pisong pondo sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – magiging prayoridad ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng marawi sa oras na matapos ang gulo doon.

Sa katunayan – nagsimula nang gumawa plano ang appropriations committee sa kamara para sa ikinakasang “Bangon Marawi”.


Kasabay nito – tiniyak ni Abella na kanilang ikokonsidera ang kultura ng mga taga-marawi kung saan paiiralin ang culture sensitivity sa pagtatayo ng kanilang nawasak na tirahan.

Pangungunahan ng Department of National Defense, ang “Bangon Marawi” na layong maibalik ang dating sitwasyon sa lungsod.

Katuwang ng DND ang DTI, DepEd, DSWD, DPWH, DOE at iba pang ahensya ng pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments