Recovery rate sa mga Pasyente, Ipinagmalaki ng CVMC; Bagong Polisiya, Ipinatupad

Cauayan City, Isabela-Ipinagmalaki ni Dr. Glenn Mathew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center ang napakataas na recovery rate ng mga pasyenteng naidadala sa ospital.

Ayon kay Baggao, dagsaan talaga ang mga naa-admit na pasyente sa CVMC dahil mandato nila ang magsilbi sa mga pasyenteng dumarating sa ospital.

Gayunpaman, inaasahan rin ng publiko ang kahandaan ng ospital na tumugon sa kasalukuyang sitwasyon lalo pa’t humaharap tayo sa pinsalang dulot ng pandemya.


Giit pa niya, kailangan din na tugunan ang pangangailangan ng mga non-covid patients.

Naglatag naman ng bagong polisiya ang pamunuan ng ospital kung saan ang mga magtutungo sa outpatient department ay kailangang sumailalim sa rapid antigen test.

Samantala, kasalukuyan ang konstruksyon ng 3-storey building o communicable disease building na may 30 isolation room bilang dagdag na rin para magamit ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Maliban pa dito, magpapatayo rin negative pleasure building na para lamang sa COVID-19.

Inaasahan naman na maitatayo rin ang 100-unit dialysis center, trauma center, laboratory at rehabilitation complex na kasama sa Development plan.

Muli nitong pinapaalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum health standard para maiwasan ang pagkahawa sa sakit.

Facebook Comments