Recruitment agencies na nagpakalat ng maling impormasyon sa mga aplikante para dumagsa sa DFA, hahabulin

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagpapatuloy ang imbestigasyon nito laban sa recruitment agencies na nagpakalat ng maling impormasyon sa kanilang mga aplikante dahilan para dumagsa ng alanganing oras sa DFA-Aseana nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay DFA Office of Consular Affairs Deputy Assistant Sec. Christian Kit de Jesus, papanagutin ang naturang recruitment agencies.

Isinisisi kasi ng DFA sa recruitment agencies ang naturang insidente na naging dahilan ng kaguluhan sa hanay ng mga aplikante.


Pinayuhan naman ng DFA ang mga aplikante na agahan nila ang pagplano sa kanilang transaksyon at huwag sa huling minute.

Facebook Comments