Recruitment agency na binalewala ang reklamo ng isang Pinay na ginahasa sa KSA, sinuspinde; DOLE, nagbantang magpapatupad ng deployment ban

Sinuspinde na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang local recruitment agency matapos balewalain ang reklamo ng isang Pilipina na ginahasa at nabuntis sa Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, iniimbestigahan na ang SAMA International Recruitment Agency maging ang foreign employment agency ng Pinay na Home Comfort Recruitment Office/Home Comfort Manpower Services.

Inatasan na rin ni Bello si Labor Attaché Fidel Macauyag na sampahan ng kaso laban ang mga suspek sa Saudi Arabia habang inatasan niya ang Philippine Overseas Employment Administration na kasuhan din ng administratibo ang SAMA.


Kaugnay nito, ipinag-utos ng kalihim sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pansamantalang suspendihin ang deployment ng mga bagong manggagawa sa Saudi Arabia habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Aniya, kapag hindi nabigyan ng hustisya ang mga OFW, maaring ideklara ang deployment ban.

Facebook Comments