Recruitment agency na naniningil ng malaking halaga sa Pinoy scholars na dumating sa Taiwan, pinakakasuhan ng MECO

Hiniling ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa law enforcement agencies ng Pilipinas na habulin ang placement operator na naningil ng malaking halaga sa Filipino students na sumailalim sa Taiwan government scholarship program.

Hiniling din ni MECO Chairman Silvestre Bello III sa Department of Migrant Workers (DMW) na ilagay sa blacklist ang JS Contractor.

Ang naturang recruitment agency aniya kasi ay naningil ng P45,000 kada isa sa 32 Pinoy scholars na dumating sa Taipei noong November 2.


Ang naturang halaga ay para raw sa air fare, visa, (Pre-Departure Orientation Seminar) PDOS at Overseas Employment Certificate (OEC) ng mga estudyanteng Pinoy.

Iginiit ni Bello na ang mga estudyante ay hindi nangangailangan ng OEC at hindi nila kailangang sumailalim sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) dahil hindi naman sila Overseas Filipino Workers (OFW).

Ang dapat lamang aniyang gastusin ng Pinoy scholars ay P10,000 para sa one way ticket at P2,400 para sa student visa.

Facebook Comments