Iniutos ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP na piliin lamang ang “the best and brightest” para sa magiging mga bagong police officers ngayong 2020.
Alinsunod ito sa hiring ng kabuuang 17 libong police officers na nakaprograma ngayong taon.
Ayaw ni Año ang second-rate police officers at ang mga kailangan sa Philippine National Police (PNP) ay yaong pinakamahusay at may puso para sa paglilingkod.
Lalo na aniya na dinoble na ni Pangulong Duterte ang sahod ng PNP personnel.
Sinabi ng kalihim na dapat tiyakin ng PNP ang isang mahigpit na proseso sa recruitment at hiring ng mga pulis upang ang mga hindi karapat dapat ay hindi na mapipili.
Naniniwala si Año na ang cleansing program ay dapat magsimula sa hiring pa lamang.
Ang PNP ay pinapayagan ng National Police Commission (Napolcom) at Department of Budget and Management (DBM) na punan ang kakulangan na 17 libong posisyon sa ilalim ng Recruitment Program nito para ngayong taong 2020.
Lahat ng applications ay isusumite sa pamamagaitan ng PNP Online Recruitment Application system portal sa www.pnporas.pnp-dprm.com.