Sigurado na ang recruitment ng panibagong 10,000 na mga Filipino workers ng Singaporean governments.
Ito ay matapos na makausap mismo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople si Singaporean Manpower Minister Tan See Leng, at tiniyak ang 10,000 na bagong job orders para sa Filipino workers.
Sinabi pa ni Secretary Ople na bago pa man ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Singapore ay inaprobahan na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore ang nasa 10,000 job orders na may 5,000 bakanteng trabaho para sa mga technicians sa aviation industry.
Paliwanag ni Secretary Ople na ang inaprobahang job orders ay kinakailangang manpower na ibinigay ng mga Singaporean employers sa POLO at inaasahang mare-recruit sa mga susunod na buwan.
Ilan sa mga approved job ordes na isinumite ng singaporean employers sa polo ay ang aviation industry na kailangan ng 5,000 aircraft technicians; medical industry na kailangan ng 3,000 healthcare workers; engineering industry na kailangan ng 1,000 skilled workers; education industry na kailangan ng 500 workers; i.t. sector na kailangan ng 300 workers.
Sa ngayon batay sa datos ng DMW mayroon ng 200,000 filipino workera sa Singapore.