Recruitment ng PMA hindi maapektuhan kahit pa namatay sa hazing ang isa nilang kadete

Kumpyansa ang Philippine Military Academy (PMA) na hindi maapektuhan ang kanilang recruitment kahit pa namatay sa hazing ang kadeteng si 4th class cadet Darwin Dormitorio habang nag-aaral sa akademya.

Ayon kay PMA spokesperson Major Reynan Afan, tinitiyak nila sa mga magulang ng mga kadete at mga magulang na nais ipasok sa PMA ang kanilang anak na  patuloy nilang aalagaan ang mga kadete sa loob ng akademya.

Giit ni Afan, walang nagk- quit sa halip mas naging inspirado ang mga kadete sa pag-aaral sa kabila ng mga kontrobersya ngayon sa PMA.


Ito ay dahil sa mataas aniya ang pangarap ng mga kadete para sa kanilang kanilang kinabukasan.

Sa ngayon sinabi ni Afan na mas mabuting pagtuunan ng pansin kung ano mga ginagawang hakbang ng PMA sa kaso ni Dormitorio dahil hindi aniya sila nagpapabaya.

Facebook Comments