Recruitment para sa karadagang 20 libong army personnel na nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA, nagpapatuloy na

Manila, Philippines – Isinasagawa na ng Armed Forces of the Philippines ang recruitment para sa karagdagang 20 libong mga Philippine Army personnel na nabanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa pag-upo pa lamang ng pangulo noong nakaraang taon ay agad nang iniutos nito ang pagdadagdag ng mga miyembro ng Phil. Army.

Ang utos ng pangulo noon ay madaliin sa lalong madaling panahon ang pag-rerecruit.


Ginawa aniya ng pangulo ang hakbang na ito upang mas lalo pang magampananng AFP ang kanilang tungkulin protektahan ang publiko at mapanatili ang kapayapaan.

Sinabi naman ni Phil. Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson na sa ngayon aabot na sa 85,000 ang miyembro ng Phil. Army sa buong bansa.

Facebook Comments