Recruitment, promotion processes at disciplinary machineries sa PNP, kailangang repasuhin

Buo ang suporta ni Committee on Public Order and Safety Chairman at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez sa panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na magbitiw ang senior officers ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kampanya laban sa iligal na droga.

Sa hangaring makamit ang layunin ng hakbang ni Abalos ay iminungkahi ni Fernandez ang pag-review o pagrepaso sa recruitment and promotion processes, gayundin sa disciplinary machineries laban sa mga tiwaling pulis.

Sang-ayon si Fernandez na panahon na para linisin ang hanay ng ating kapulisan laban sa mga ninja cop at protektor mismo ng mga sindikato ng iligal na droga.


Paliwanag ni Fernandez, sa ganitong paraan ay mababalik ang tiwala ng taumbayan sa ating mga awtoridad na siyang isa sa mga pangunahing haligi ng hustisya sa ating lipunan.

Giit pa ni Fernandez, higit na dapat maging mabuting halimbawa sa mamamayan ang gobyerno, lalo na ang PNP dahil ang paglabag ng mga ito sa batas ay tila pag-imbita sa bawat individwal na gumawa rin ng iligal.

Facebook Comments