Binigyang diin ng Malacañang na patuloy ang ginagawang recruitment ng Department of Health (DOH) para sa karagdagang health workers sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng sinabi ng Philippine General Hospital (PGH) na nakakaranas na ng staffing crisis ang kanilang hanay, habang umaayaw na ang ilang volunteer doctors sa COVID-19 referral hospital at nagkakasakit na rin ang iba pang healthcare workers.
Ayon sa kalihim, malaking bagay na marami na ang bagong graduates mula sa kursong medisina at marami rin aniya ang mga nurse na kapapasa pa lamang.
Pagdating naman aniya sa mga doktor, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang makapagtapos ang mga ito at makasailalim sa kinakailangang pagsusulit upang patuloy na madagdagan ang mga doktor sa bansa.