Manila, Philippines – Kasunod ng operasyon ng PNP laban kay Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., hiniling naman ni Buhay PL Rep. Lito Atienza na maghigpit sa recruitment sa mga kinukuhang mga bagong pulis.
Ito ay kasunod na rin ng paghingi ng PNP ng 1.4 Billion na alokasyon para makapag-hire ng dagdag na sampung libong mga pulis sa ilalim nh 131.5 Billion budget ng pambansang pulisya.
Ayon kay Atienza, panahon na para i-review ng PNP ang pamamaraan ng recruitment at pagsasanay ng mga bagong pulis.
Sinabi ni Atienza na mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na halos apat sa bawat sampung pulis ang sabit sa iligal na aktibidad.
Aminado naman si Atienza na kailangang magdagdag ng pwersa ng PNP para maging mas epektibo ang paglaban sa krimen ng pamahalaan.
Sa ngayon ang police-to-population ratio ay 1:551 samantalang ang ideal ratio ay dapat 1:500.